We are pleased to present the UPSLIS Class of 2023!
This batch of graduates is composed of 20 BLIS and 9 MLIS, which includes 6 summa cum laude, 5 magna cum laude, and 1 cum laude honours.
The Class of 2023 has chosen the Bikolano word iray as their theme.
In their own words:
From freshman to senior year, we were met by countless hardshipspandemic, typhoons, remote learning, misinformation, personal problems, and learning adjustmentsthat tested our will to fight on and move forward. Still, we managed to overcome such adversities instead of succumbing to them, just like how one travels upstream or iray in Bikol. Indeed, iray truly represents the resolve of the graduating batch to go against the current no matter how difficult it may be.
Iray does not only mean that we are not jumping on the bandwagon. It does not only mean that we are going against the opposite of what everyone else believes or does. For us, iray also symbolizes our will and determination to move towards excellence, to choose the better option, and to do the higher good amidst all the difficulties and failures that come with it.
Looking back, our college life was indeed a memorable yet a rough and unpredictable journey. But look at us, we are wrapping up our college years with a proud smile on our faces. So, let us continue to move forward and always remember to never be afraid to go iray.
Pagpupugay sa mga tagapangalaga ng mga kabatiran, kaalaman, aklatan at arkibo ng bayan!
------------------------------------------------------------------------------------------
Malugod naming ipinakikilala ang mga nagsipagtapos mula sa UPSLIS sa taong 2023!
Ang mga nagsipagtapos ay binubuo ng 20 BLIS at 9 MLIS, kabilang ang 6 na summa cum laude, 5 na magna cum laude, at 1 na cum laude.
Pinili ng mga nagsipagtapos ang temang iraya muli sa wikang Bicolano.
Sa kanilang sariling salita:
Mula freshman pa lang, maraming pagsubok na ang ating pinagdaanan pandemya, bagyo, remote learning, personal problems, at learning adjustments na sinubok ang ating katatagan at kagustuhang magpatuloy at lumaban. Pero, tingnan ninyo, narito tayo upang ipagbunyi ang ating pagtatapos sa kolehiyo na siya ring patunay na nagawa nating lampasan ang mga unos na ating naranasan imbis na tayo ay magpadala sa problema. Ang tagumpay nating ito ay gaya ng sayang nararamdaman ng isang mamamangka na matagumpay na naglakbay salungat sa agos ng tubig para tumungo sa kabayanan o kabundukan o tinatawag din na iray sa salitang Bikol.
Tunay na kumakatawan ang salitang iray sa determinasyon ng mga nagsipagtapos na huwag magpadala sa agos kahit gaano man ito kahirap. Ito ay kumakatawan hindi lamang sa aming kagustuhan na huwag makisakay sa gusto ng karamihan. Ito rin ay sumasagisag sa aming pagnanais na huwag magpadala sa pinaniniwalaan, iniisip, at ginagawa ng karamihan. Para sa amin, ang iray ay simbolo rin ng ang pagsisikap na piliin ang mas nakabubuti sa nakararami. Sinasalamin nito ang aming pagnanais na magsilbi sa bayan sa gitna ng kahirapan at kabiguan na kaakibat nito.
Kung magbabalik-tanaw tayo sa ilang taon natin sa kolehiyo, masasabi natin na kahit mahirap at nakakaiyak ang mga problema na ating pinagdaanan sa UP, hindi pa rin natin malilimutan ang mga ala-ala ng ating buhay kolehiyo. Kaya't baon ang ating mga karanasan sa unibersidad, naway tayo ay patuloy na sumulong at lumaban. Huwag tayong matakot na suongin ang agos at naway patuloy pa rin nating tunguhin ang iray .
Pagpupugay sa mga tagapangalaga ng mga kabatiran, kaalaman, aklatan at arkibo ng bayan!
The 112th General Commencement Exercises of UP Diliman may be viewed on their YouTube Channel.
Maaaring mapanood ang ika-112 Pangkalahatang Pagtatapos ng UP Diliman sa kanilang YouTube Channel.
*This announcement is processed through consent in accordance with RA 10173 and the UP Data Privacy Policy. It includes only the graduates who have consented to be identified on social media.
Published: 2023-07-30 05:29:05