Habemus Decanus!

Asst. Prof. Rhea Rowena U. Apolinario appointed as new SLIS Dean



We are delighted to welcome Asst. Prof. Rhea Rowena U. Apolinario as the new Dean of UP SLIS!


The UP Board of Regents confirmed the appointment of Dean Apolinario at their June 29th meeting.


Dean Apolinario has previously been the interim Officer-in-Charge of the School following the end of Asst. Prof. Mary Grace P. Golfo-Barcelona term. Asst Pro. Golfo-Barcelona is currently finishing her PhD in Anthropology at the University of Manitoba. Prior to that, she has served as the College Secretary until December 2020.


Dean Rhea Rowena U. Apolinario presents a threefold vision of Equip. Engage. Excel. for the School as its new Dean. She plans to equip SLIS faculty staff, REPS, and students with the needed knowledge, skills, training, opportunities, and support and correspondingly improve our academic programs and facilities. She hopes to equip the SLIS New Building, currently under construction, with the necessary furniture, technologies, and tools that will respond to the needs of a 21st century learning environment.


Dean Apolinario also aims to engage the Schools stakeholders in research, extension, service, and resource generation. She sees engagement as essential to build trust, connections, collaboration, and relationships with and among people, communities, and institutions.


She wants to ensure quality in SLIS by excelling in business processes and practices with honor and compassion at its core and which culminates to serving and helping the people and society.


We wish Dean Apolinario well in her administration!



Katuwang na Propesor Rhea Rowena U. Apolinario itinalaga bilang bagong Dekana ng SLIS

 

Malugod naming binabati si Kat. Prop. Rhea Rowena U. Apolinario sa kanyang pagkatalaga bilang bagong Dekana ng UP SLIS!

 

Kinumpirma ng UP Board of Regents ang pagtatalaga kay Dekana Apolinario sa kanilang pagpupulong noong ika-29 ng Hunyo 2023.

 

Si Dekana Apolinario ay dati nang nagsilbi bilang pansamantalang tagapamahala ng Paaralan kasunod ng pagtatapos ng termino ni Kat. Prop. Mary Grace P. Golfo-Barcelona. Kasalukuyang tinatapos ni Kat. Prop. Golfo-Barcelona ang kanyang PhD sa Antropolohiya sa Unibersidad ng Manitoba. Bago iyon, nagsilbi si Dekana Apolinario bilang Kalihim ng Kolehiyo hanggang Disyembre 2020.

 

Bilang bagong Dekana ng SLIS, nilalayong ipatupad ni Dekana Apolinario ang kanyang bisyon na: Equip. Engage. Excel. para sa Paaralan. Layon niyang bigyan ang kaguruan, mga kawani, mga REPS, at mga mag-aaral ng SLIS ng kinakailangang kaalaman, kasanayan, pagsasanay, pagkakataon, at suporta. Kabilang rin sa kanyang mga layunin ang pagpapahusay ng mga programa at pasilidad pang-akademiko sa SLIS. Inaasahan niyang masangkapan ang SLIS New Building, na kasalukuyang ginagawa, ng mga 'kinakailangang teknolohiya, at mga makabagong kasangkapan na tutugon sa mga pangangailangan sa pag-aaral sa ika-21 siglo'.

 

Nilalayon din ni Dean Apolinario na hikayatin ang mga stakeholders ng Paaralan na mananaliksik, makibahagi sa mga gawaing pang-extension at serbisyo publiko, at makiisa sa mga gawaing kaugnay sa resource generation. Nakikita niya ang pakikipag-ugnayan bilang 'mahalaga upang bumuo ng tiwala, koneksyon, pakikipagtulungan, at relasyon sa at sa mga tao, komunidad, at institusyon.'

 

Nais niyang tiyakin ang kalidad sa SLIS sa pamamagitan ng pagiging mahusay sa mga proseso at gawi sa negosyo, at sa pagsasagawa ng mga prosesong ito nang may karangalan at habag sa kaibuturan nito, na 'nagtatapos sa paglilingkod at pagtulong sa mga tao at lipunan'.

 

Hangad namin para kay Dekana Apolinario ang isang matagumpay na administrasyon!


With thanks to Asst. Prof. Yhna Therese P. Santos for the Filipino translation.


Published:  2023-06-30 08:54:00