SLIS is proud to present our LIS Academic Distinction Awardees and Graduate Academic Distinction Awardees!
Masayang ipinakikilala ng Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon ang aming mga nagsipagtapos na tumanggap ng parangal na LIS Academic Distinction at Graduate Academic Distinction!
LIS Academic Distinction Awardees are graduates of our Bachelor of Library and Information Science program who received a weighted average of 1.49 or better for all of their LIS courses.
Ang LIS Academic Distinction ay iginawad sa mga nagtapos sa Batsilyer sa Agham ng Aklatan at Impormasyon na may pangtimbang na katamtamang grado na 1.49 o higit pa sa mga kursong LIS na kanilang kinuha.
Graduate Academic Distinction Awardees are graduates of the Master of Library and Information Science and the Master in Archives and Records Management programs who achieved a general weighted average of 1.20 or better. They must have completed the degree program within the regular residence period of no longer than five years, did not go absent without leave, and have no lapsed grade of incomplete except in the terminal requirement/course (thesis, special problem, or capstone).
Ang Graduate Academic Distinction ay iginawad sa mga nagtapos sa Masterado ng Agham ng Aklatan at Impormasyon at sa Masterado ng Artsibo at Pamamahala ng Talaan na may pangkalatang timbang na katamtamang grado na 1.20 o higit pa. Sila ay dapat natapos sa kanilang programa sa loob ng limang taon, hindi nagpaliban ng walang pahintulot, at walang pinalipas na kurso na hindi nakumpleto ang grado maliban sa tesis, natatalang suliranin, o proyektong pangwakas.
We also celebrated the outstanding theses and capstone project from A.Y. 2023-2024. These were nominated by their respective advisers and the winners were selected by a separate neutral panel of full-time and part-time faculty members.
Ipinagdiwang din ang mga natatanging tesis at proyektong pangwakas mula sa Akademikong Taon 2023-2024. Ang mga ito ay nominado ng kani-kanilang mga tagapayo sa pananaliksik. Ang mga nanalo ay pinili ng isang lupon na kinabibilangan ng mga walang kinikilingan na mga miyembro ng kaguruan.
The awardees were honored during the 2024 SLIS Recognition Rites held this afternoon, 29 July 2024.
Ang mga nagsipagtapos ay ginawaran sa Parangal sa mga Nagsipagtapos mula sa Paaralan ng Aralin sa Aklatan at Impormasyon sa taong 2024 na ginanap ngayong ika-29 ng Hulyo.
Published: 2024-07-28 13:37:53